October 25, 2015 habang pauwi ang aming grupong FERS NCR chapter (Far East Riders Society) bandang 5PM nadaanan namin ang isang aksidente sa palikong lugar, Rider na may backride na babae.
Hindi nag dalawang isip ang aming grupo na hintuan at tulungan ang dalawa. Yung babae may sugat sa tuhod mabuti na lang at mayroon daw siyan suot na protective gear ayon sa kanyang kasama. Base sa paliwanang ng Rider, 7 sila at naiiwan sila kaya hindi agad sila nabalikan mayroon din tumulong na mga Militar at mga tao doon. Ang aming team leader ay inalam ang kanilang kalagayan at sinabi nila na tumawag na sila sa kanilang mga kakilala ngunit parang matatagalan ang rescue. Napag desisyunan ng aming grupo at na maki hits na lamang sa mga pribadong sasakyan at ipakiusap na dalhin sa madadaanan ospital at silay payag sa ganun plano. May dalawang sasakyan ang tumatangi at ang iba ay ayaw huminto sa amin na para bang modus operandi ang gaming ginagawa na isakay ang dalawang biktima. Nakisuap kami sa military na sila ang pumara para at kami ang makausap sa driver ng sasakyan ngunit sila ay wala daw paahintulot na gawin iyun kaya sinubukan naming muli pumara. Ang isang sasakyan na aming nakausap ay lulan ng mga senior citizen at hindi rin pumayag. Silay nagpatuloy sa pagtakbo, hindi kalayuan ay huminto at nagpasyang umatras upang tumugon sa aming pakiusap na ihatid sa ospitan ang biktima. Taos puso kaming nag papasalamat sa nag magandang loob na silay maihatid sa ospital. Hindi naming nakuha ang mga pangalan ng naaksidente at nakalimutan ko ang pangalan ng Driver.

No comments:
Post a Comment